Pages

Sunday, July 25, 2010

Law of Physics


Happiness to the max ang laro naming magkakaberks sa canteen ni aling babae. (Limot ko na ang name). Playing cards. Kakaiba the way ng paglalaro. Sigawan at panic-an. Paunahan kasi sa paglapag ng numero. Medyo limot ko na ang exact rule kasi naman amnesia na me. Linimot ko na ang college memories sa aking usb-brain. 

Ang parusa, iinom ng isang basong tubig. Nakaraming round kami. Parang boxing lang. Ang next subject pala namin ay ang paboritong subject ng wala. Ang Physics. And it is worse pa. Long Quiz much. 

We make pila na to the room, and then we make kuha na the test papers. Pagkatapos, we make bayad na para sa pagpapaphotocopy ng quiz sa mabahong papel gawa ni Xerox. Finally, we make sagot na. The End. Ay hindi pa pala the end.

Habang kami ay taimtim na nagdarasal para pumasa at sumasagot ng exam ni Einstein at Newton, nakakaramdam ako ng pagkabalisa. Knock on wood wag naman sana. May naglalaro ng dance dance revolution inside my gall bladder. Lalabas na. Hindi na kinakaya ng kuyakoy powers. Ma'am CR lang po. And then pagkatapos kong jumingle bells, napapansin ko yung isa kong kasama hindi na rin mapakali. Lumapit sa teacher at... "Ma'am may i go out?" 

Pagkabalik nya, di ko na talaga mapigil. Ayan na naman. Ma'am CR po ulit. Ang jingle bells kanina, ngayon ay naging jingle all the way na. Pabalik-balik kaming tatlo. Buti na lang hindi nagdududa si madam teacher baka nagkokodigo kami sa CR. Bagong technique yan ah! Uyy... Haha

Natapos naman ang exam ng walang sumasabog na NAWASA sa classroom. Ang resulta ng long quiz? Naglaro nga lang kami bago mag long quiz. Sabayan pa ng choral elocution ng mga ibon na di mapakali. Asa pang aabot sa tres? 

5 comments:

  1. i love boston creme na donat.
    natawa naman me sa new style sa classrum

    ReplyDelete
  2. one-two-three pass ba ung game nyo?fun!hehe

    im the first follwer!basag!haha

    ReplyDelete
  3. @Khantotantra

    talaga? parehas tayo boston creme the best among the rest! ganon talaga don sa classtum namin dati. hihi

    @Greta

    sobra thank you nagkameron na me ng follower. Pwede na kitang sambahin? joke.

    Tama! Nadali mo!!! 123pass nga! Shoot!

    ReplyDelete
  4. Paboritong laro din naman yang 123 pass. Giliw na giliw kami jan at todo maghiyawan. Haha. Perstaymer dito. :)

    ReplyDelete
  5. @ikawsiyow

    oo ang ingay lalo na mga babae sobra ang scream. lol perstaym mo! :) tnx add kita

    ReplyDelete

Magcocomment ka o bibigyan mo ako ng Boston Kreme?